My Amnesia Girl

Rating: ★★★★★
Genre: Romance, Comedy, Drama 

Remember when I told you that I've been a fan of Director Cathy-Garcia Molina's work? Well here is another favorite movie starring one of the most promising actress and actor here in the Philippines. Can you guess who it is?


For those who have seen this one, My Amnesia Girl, would definitely answer this one as easy as 1-2-3. It is none other than the ultimate heartthrob, John Lloyd Cruz (whom my sister has been crushing for almost half of her life) and the ever so gorgeous Toni Gonzaga (whom I adore when it comes to hairstyles and outfits).

For those who haven't seen this one, well you just missed another part of your life, because this movie really made an impact specially pulling every "Banat Lines" o "Pick Up Lines". I've seen this movie with my sister way back in my college years, (where she ended up buying a cactus and naming it "Apollo") and I tell you if you are the type of person who loves romance and wants to be swoon this movie is for you!

I was able to watch this one again  on the 11th of November and this time it is with my Yobo. Yes, it is like a blessing- 11.11.11. I know it is not nice to pattern our lives on movies, books or whatsoever fictional creations but I just can't help but made this movie as a big part of my life and I tell you it was truly an answered prayer!

Well without further ado, here are the favorite lines and
 memorable lines that made this movie the best one so far!


"Sabi sa census may 11 milyon na tao sa Metro Manila. Paano mo malalaman na nahanap mo na yung taong para sa’yo? Maaring nakita mo na siya, pero yumuko ka para magsintas. Maaaring nakatabi mo na siya, pero lumingon ka para tingnan ang traffic lights. Maaaring nakasalubong mo na siya pero humarang yung pedicab. Sa dinami-dami ng tao, may mga maswerteng tao na nakahanap na , may mga naghahanap pa. May mga tanong patuloy na naghahanap at may iba na sumuko na. Pero yung pinakamasaklap, eh yung na sayo na pinakawalan mo pa. Pero nga kaya ano, kung isang beses lang ito dumarating sayo. Palalampasain mo ba? Kahit nasa harap mo na? ..kasi kung hindi, mahihirapan ka na sa pangalawang pagkakataon or worst wala ng second chance." - Apollo 

Apollo: Gusto ko lang malaman kung naniniwala ka sa love at first sight. 
Irene: *shakes head*
Apollo: Eh, ang second sight? 
Irene: *smiles*
Apollo: Pwede.

Apollo: Sabi na nga ba camera ako e.
Irene: Bakit?
Apollo: Napapangiti kita e. 

Irene: Alam mo, baka hindi ka na makauwi. 
Apollo: Bakit?
Irene: E kasi nasa isip na kita e. 

Apollo: Parang kuto. Lagi kang nasa ulo ko. 
Irene: Ihi, yung hindi kita matiis. 
Apollo: Alam mo kung bola ka, hindi kita kayang i-shoot. 
Irene: Dahil lagi mo akong mami-miss?
Apollo: Para kang tae. 
Irene: Ha?!
Apollo: Hindi kita kayang paglaruan. 

"Thank you, Lord ha. Pandesal lang naman yung hiningi ko sainyo, hamburger yung binigay niyo may fries pa." - Irene

Apollo: Will you marry me?
Irene: Ano nga ulit yun?
Apollo: Nung bata ako lagi akong pinapagalitan ng Nanay ko kasi masyado daw akong makakalimutin.  So ang ginagawa niya, lagi niyang tinatalian ng sinulid ang daliri ko. Tapos suot ko yun buong araw. Kasi pagnakikita ko yun. Naaalala ko yung sinabi ng Nanay ko nun. Para maalala mo ngayong araw na ito, tinanong kita kung gusto mo akong pakasalan. Kung gusto mo lang naman. 
Irene: *gets camera*  Para hindi ko makalimutan yung taong nagpasaya sa akin. Yes! Yes!

Apollo: Buti ka pa may kasama. Buti ka pa may ka-partner. Kayo kaya may pag-asa pa? Tingin ninyo Pare, tatanda ako mag-isa?
Ken: Okay lang yan insan. Madami pa namang isda dyan. Tiyak makakahanap ka din ng isda na para sayo.
Eric: Agree.

Apollo: Kamusta na, Irene?
Irene: Sino ka? Kilala ba kita? May Amnesia kasi ako. Naaksidenta kasi ako, kaya wala ako maalala. Pasensya na ha, kung hindi kita maalala. 

Ken: Amnesia, a severe blow to the head or from a traumatic experience.
Chibu: Ahh. Baka nabagok.
Eric: Baka naaksidente.
Jan: Baka nabangga.
Ken: Hindi naman siya mukhang naaksidente, e ang ganda-ganda pa din nga niya diba? 
Chibu: E baka matagal na din yun.
Eric: Baka nung araw nung kasal. Iniwan ni Apollo si Irene. Sa sobrang sakit, siyempre magagalit siya yun diba? Tumakbo ngayon palabas ng simbahan. 
Ken: At tumakbo ng tumakbo. At umiyak ng umiyak, habang bumubuhos ang malakas na ulan.
Jan: Sabay ng pagbuhos na yun, bumuhos din ang ang mga luha sa kanyang mga mata. 
Chibu: Habang bumubuhos naman ang luha sa kanyang mga mata, siya ay dahang-dahan na natapilok. Hanggang mabasag ang ngipin niya at humampas sa gater.
Jan: Tapos may dumaan na truck. Pero hindi siya nasagasaan dahil nasa kabilang street yun. Pero ng pagkadapa niyang yun, lumabas yung utak niya partly, yun yung memory ni Apollo.

Peachy: So complicated! Pwede naman kasing sinabi mo  "I hate you!" o kaya naman "Demonyo ka!", talaga namang "Sino ka?" Ano yun?
Irene: E nagulat nga ako. Siyempre, kinalimutan ko na yung tao. E di para siyang zombie ngayon sa paningin ko. Patay na bumangon pa ulit?

Irene: Bakit pa kaya ito bumalik?
Peachy: Dahil may babalikan?
Irene: Hindi na. Minsan na ako nauto nito. 
Peachy: E paano kung pursigido? Paano kung habul-habulin ka?
Irene: E 'di makikipaghabulan ako. Kung mahuhuli niya ako. 

Irene: Paul, layo pa. Layo pa! Layo pa!
Apollo: Meron pa bang tama ito?
Irene: Meron pa!! Nakakaiyak naman kayo. 

Apollo: May nagawa ba ako?
Irene: Wala! Naalala ko lang kasi yung kiniwanto sa akin ng kaibigan ko.
Apollo: Tungkol daw saan?
Irene: Ikakasal daw kasi ako dati. Kaya lang iniwan daw ako nung lalaki sa altar.
Apollo: Hindi ba sinabi kung sino daw yung lalaking yun?
Irene: Ewan ko. 
Apollo: Walang pangalan?
Irene: Hindi na sinabi sa akin e. Baka mapatay ko lang daw. 
Apollo: Kahit pictures wala?
Irene: Wala, sinunog na daw nila para wala na daw akong maalala. Grabe ano? Anong klaseng tao kaya ang gagawa nun? To think alam niya na ulila ako ah. Ang tagal-tagal kong pinagdasal na sana may makasama ako habang buhay. Sabi nila, sobrang ko raw saya nung araw ng kasal ko. 

"It was a bright and sunny day. Everything was so magical. I was glowing bride to a perfect groom. In a perfect wedding. Pero mali pala ako. Pagkatapos daw umalis nung lalaki. Nagtago lang daw ako sa likod ng altar. Tapos doon lang ako umiyak ng umiyak. Hinihila na nga ako ni Butch nun para umuwi, pero sabi ko, " Ayoko ko." ayoko daw. Doon lang daw ako. Hihintayin ko lang siya. kasi sabi ko. Babalik yun. Hindi niya magagawa sa akin yun. Pero mali na naman ako. Buti na lang naaksidente ako no? Pero partida na yun ah? Nagka-Amnesia na ko, pero ang sakit pa rin. Sa tingin mo? Bakit kaya? Bakit kaya niya ako iniwan. Sabi mo. masiyahin naman ako. Sabi mo maganda naman ako, pero bakit iniwan pa din niya ako?" - Irene

Apollo: Baka natakot siya. 
Irene: T****** naman o. Yun lang.
Apollo: Baka, pakiramdam niya nagmadali lang siya.
Irene: E t******** pala siya, e bakit niya ako niyaya magpakasal?
Apollo: Sigurado madami siyang dahilan. Kahit naman ako matatakot din naman. 
Irene: Saan?
Apollo: Sayo. 
Irene: Sa akin? Ano kasalanan ko pa?
Apollo: Natatakot siya para sayo. Kasi baka mas masaktan ka kung tinuloy niya yun. 
Irene: B******** naman yan. Bakit sa tingin niya hindi ba ako nasasaktan ngayon?
Apollo: Baka nga madami pa siyang tanong noon. Paano kung, puro kayo na lang ang mangyari. Mawala yung siya. Kung umoosiya doon, paano kung hindi niya kayang panindigan?
Irene: Ano nasagot ba mga tanong niya? Ano nasagot ba?!
Apollo: Mas hindi pala niya kaya nung nawala ka. Irene, sigurado ako, kung nasaan man ang tao na yan. Nagsisi na yan na pinakawalan ka niya. Na nasaktan ka niya. Pero, kung kaharap mo siya ngayon. Sigurado lang isang bagay lang ang hihingin niya sayo. Sana mapatawad mo siya. "I'm sorry naduwag lang ako talaga."

Peachy: Ano yan?
Irene: Galit!
Peachy: Naku, wrong answer.
Irene: Ano ba dapat?
Peachy: Dapat wala na. The fact na nagagalit ka pa, ibig sabihin may pagmamahal pa. 

"Alam ninyo, sana para na lang tayong kotse na pwedeng hugasan ang mga kasalanan." - Jan 

"Ang True Love para sa matatapang lang." - Jan

"Kung kaya lang ng yakap na tanggalin lahat ng sakit na naidulot ko sa kanya e yayakapin ko yun ng matagal hanggang gumaling siya."  - Apollo

Apollo: Gusto ko na siya makitang masaya ulit. Gusto kong sabihin sa kanya na, huwag ka ng umiyak. Hindi naman lahat ng tao kagaya ko e, na sana maniwala pa siya na meron pang tao na magmamahal sa kanya, yung hindi siya iiwan. Hindi siya lolokohin. Hindi siya paiiyakin kahit kailan.
Chibu: Paano kung hindi ikaw yun.
Apollo: Aray. Pero ako na bahala sa sarili ko. Ang importante naman siya e. Yung sana huwag niya isara ang sarili niya sa pagmamahal. 

"Alam mo dalawang bagay lang ang nakakasira sa may birthday. Yung makasama mo yung taong pinaka-ayaw mo at yung hindi mo makasama yung taong pinakagusto mo." - Peachy

Irene: Hindi ko naman sinabing hintayin mo ako e.
Apollo: E bakit mo ba hinihintay ang isang tao?
Irene: Kasi takas sa bilibid?
Apollo: Hindi. Kasi gusto mo siya. 

Apollo: Irene, 27 years ng buhay mo. Nawala nung iniwan ka ng lalaking yun. Gusto ko lang ibalik yung lahat ng kinuha niya. 
Irene: Tulad ng?
Apollo: Ngiti mo.

"Isipin mo na lang may power tayong mag time travel. Uulit tayo sa simula ng kwento. Babalikan natin lahat ng memories mo na nawala sayo. Simula ngayon, lahat ng memories mo, bago. Masaya. Buo." - Apollo

"Pikit ka. Basta pikit ka lang. Sabi kasi nila kapag nakapikit ka daw, doon mo malalaman yung totoong nararamdaman mo. Sana Irene ngayong araw, hindi na puro sakit at galit ang laman niyan sana may saya na rin." - Apollo 

Apollo: Tumatangkad ka ba?
Irene: Hm?
Apollo: Dati kasi hanggang balikat lang kita ngayon nasa isip na kita. 

Apollo: Lumiliit ka ba?
Irene: Hindi bakit?
Apollo: Kasi andito ka na sa isip ko, ngayon nasa puso ko 

Irene: Alam mo bang pwede kitang idemanda ng trespassing? Ha?
Apollo: ...
Irene: E kasi basta-basta ka na lang pumapasok sa isip ko e. 

Apollo: Bumili ka na ng salbabida dali!
Irene: Bakit magswiswimming tayo?
Apollo: Hindi, baka kasi malunod ka sa pagmamahal ko. 

Apollo: Naalala mo na?
Irene: Kahit kailan hindi ko nakalimutan, Apollo... kahit kailan hindi kita nakalimutan. Natakot lang ako. Natakot akong mawala ka. I'm sorry. 

"Hayaan mo lang umiyak yan. Magandang sugat yan sa sore eyes. May sore eyes ang puso niyan e. Pero pag naghilom ang sugat, mawala ang puwing. Makikita niya ang sagot. Kung bakit niya binalikan si Irene, at bakit papakawalan ulit. Diba? " - Tatay Diego

Girl: E paano po niyo nalaman Sir na "True Love" na nga yun? E pinakawalan niyo nga. 
Apollo: Ha?
Girl: Nag-try po kayo ng iba?
Apollo: Ano yun?
Girl: O sinasabi niyo lang na "True Love" nga yan for sentimental reason. Dahil hindi na siya babalik. 
Apollo: Hindi. Bumalik siya. Binalikan ko siya. We had a second chance. Yah. I had a second chance. At mas minahal ko siya ngayon.

Apollo: Nasaan ka?
Irene: Papunta sayo. 
Apollo: Pupuntahan mo ako?
Irene: Bakit mo ba pupuntahan ang isang tao?
Apollo: Kasi gusto mo?
Apollo: Tumatangkad ka ba?
Irene: Kasi mahal mo siya. I'm sorry, Apollo.
Apollo and Irene: Shhh. Irene, I love you.
Irene and Apollo: I love you too.
Apollo: Huwag kang aalis dyan. Ako ang pupunta diyan.
Irene: Oo, dito lang ako.
Apollo: Mahal na mahal na mahal na mahal kita. Magsisimula tayo ulit. 

"Alam mo anak, ang Amnesia raw, sakit sa utak kaya pag nauntog madali makalimot. Pero mas nananiwala ako sa heart memory. Kapag nagmahal, kahit anong untog hindi mo makakalimutan." - Tatay Diego


Irene: Sino nga ako ulit?
Apollo: Ikaw si Irene ko. Ikaw ang mapapangasawa ko. Isa kang photographer.
Irene: Eeee hindi.  Pulis ako.
Apollo: Puilis?
Irene: Ikaw kasi ang most wanted ko. At ikaw naman pintura. Kasi binigyan mo ng kulay ang buhay ko. O dictionary kasi you give meaning to my life. 

"Ano ito? Dental floss. Kasi nung lagi kang pinapagalitan ng Mommy mo nungbata ka pa kasi makalilimutin ka. Suot mo ito, para hindi mo makalimutan, simula sa araw na ito, ako naman ang mag-aalaga sayo. Ako naman. Tsaka kahit hindi na bumalik yan na memory mo. Gagawa tayo ng maraming-maraming bago at tsaka masasaya. Hindi kita iiwan, Apollo." - Irene 

Apollo: Naniniwala ka ba sa love at first sight?
Irene: *kisses* Oo sorry. Mmmm. Kahit sa 2nd, sa 3rd sight. 4th, 5th, 6th, kahit ilang sight. 

Apollo: Alarm clock ka ba?
Irene: Bakit?
Apollo: Kasi ginising mo ang natutulog kong puso. 

"May lason ba ang mga mata mo? Kasi nakakamatay yang mga tingin mo e." - Irene

"Sandali. Alam mo kung cactus ka, okay lang na masaktan ako. Mayakap lang kita. " - Apollo

Irene: Ay teka, ano nga type mo?
Apollo: Type A. Ikaw?
Irene: Type ko. 


Irene: Mahal kita.
Apollo: Sana pirated CD ka nalang para paulit-ulit mong sabihin ‘yan.
Irene: Mahal kita. Mahal kita. Mahal kita. E mahal kasi talaga kita e.

"Bagay sayo suot mo ah. Pero mas bagay ako sayo." - Apollo

"Hika ka ba? Kasi you take my breath away." - Irene

Apollo: Nasan ka kagabi?
Irene: Hoy andito lang ako ah! Bakit?
Apollo: Ah kaya wala ka sa panaginip ko.

"Mmm. Alam mo kung ulan ka, lupa ako. Sa ayaw at sa gusto mo, sa akin ang bagsak mo." - Irene

"Baka naman ikaw yung bagyo. Ang lakas kasi ng datin mo." - Apollo

"Teka, baka may MMDA dito. Kasi nagkabanggaan ang puso natin." - Irene

"Baka gusto mong kumandidato. Buto naman sayo yung Tatayko e." - Apollo


Irene: Ayos ka lang ba?
Apollo: Ayos lang. 
Irene: Hindi. Ice ka ba?
Apollo: Ha? Ano? 
Irene: Yelo!
Apollo: Ahhh. 
Irene: Kasi gusto kita i-crush!

"E ikaw. Alak ka ba? Ang lakas kasi ng tama ko sayo." - Apollo

"Alam mo. Ikaw ba MERALCO? Kasi may liwanag ang buhay ko kapag kasama ka " - Apollo

"Pwede ba kitang abutin. Ikaw kasi ang pangarap ko." - Apollo

Irene: Ibenta na lang kasi ninyo yung bahay ninyo.
Apollo: Bakit naman?
Irene: E libre ka naman tumira sa puso ko e. 

Apollo: Kung gusto mo ikaw na lang ang magiging driver ko.
Irene: Bakit?
Apollo: Para ikaw na lang ang magpapatakbo ng buhay ko. 

And that's it! Hope you had fun reading it and I hope you'll be able to watch the movie. Because surely you will be enjoying it as much as I did. I might also be posting soon how our love story resembled this movie. So what do you think?

Stay happy, in love and keep those memories alive! 

Latest Instagrams

© Ajeinomoto: Spices + Everything Nice. Design by Fearne.